You are viewing [info]myheartonstring's journal

Kwentong Tae [entries|archive|friends|userinfo]
Gean Is XLewser

[ website | friendster profile ]
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Short Update. [Jul. 12th, 2007|12:53 pm]

Mukhang may idadrop akong subject.
May nangyari kasi kahapon. :(
Kwento ko some other time.


This is a cross-post from my personal site, GO ELYEN.
COMMENT

Link

So Long Sweet Summer. [Jun. 15th, 2007|06:10 pm]

Two days nalang pasukan na naman.

Busy ako nung mga nakakaraang araw. Ang dahilan? Ewan ko nga ba. Medyo marami ako pinupuntahan o kung hindi naman ay marami ginagawa sa bahay. Tulad kahapon, nagparebond ako ng buhok kaya buong araw akong wala sa bahay. Matagal kasi yung gawin. Medyo nagsisisi lang ako panu tuwid naman talaga buhok ko. Sana pina-cellophane ko nalang dahil “buhay” ng buhok ang kelangan ko. Sayang tatlong libo. Tsk tsk. Hamuna.

Binasa ko rin yung manga na Battle Royale na natuklasan ko mula sa rat-a-fucking-tat entry ni Jhed. Na-curious kasi ako. Ganda nga pala nun. Although my disturbing scenes mula kay hardcore Mitsuko Souma, para sakin brilliant ang pagkakagawa ng BR. Pero siyempre hindi ito recommended sa mga bata at sa mga taong na-ooffend sa violence, sex and more violence. Pero sa kabila nun, drama talaga ‘to. It’s either blood or tears, ‘ya know.

Balak ko sana gumawa ng new theme bago magsimula ulit ang pasukan kaso tinatamaan na naman ako ng katamaran kaya next time nalang. Malay mo this coming week, hindi pa naman ako busy nun e at maluwag naman ang schedule. Look:

MTH - 08:00-10:30 - Computer System Organization
MTH - 10:30-02:00 - Discrete Mathematics 1
MTH - 02:00-05:00 - College Physics 2
WS - 08:00-10:30 - System Analysis and Design
WS - 12:30-02:00 - Technical and Scientific Writing
WS - 02:00-04:30 - Database Management System
T - 11:30-01:30 - PE201

Yup, may PE pa ko kasi hindi ko na-take ung isa kong PE last sem. Naubusan ng slot e.

Third year na ko, waahh. Two years nalang! :)


This is a cross-post from my personal site, GO ELYEN.
COMMENT

Link

Bisi. [Jun. 12th, 2007|09:46 am]

[Edit]
Independence day ba ngayon? I can’t feel it, someone’s pushing me to do things I don’t want to at home. Hai. Demn.
[/Edit]

Medyo busy po ako. Pero hindi dahil pasukan na. Next week pa pasukan namin. Sorry sa non-sense na post na ‘to.

Aba teka, kelan ba nagka-sense ang post ko? Hek.

Kwento ko nalang sa inyo adbentyur ko kahapon. Wala lang. Nagpunta kami airport. Hahatid sana namin si Papa kaso nagkaproblema e, kaya hindi siya natuloy. Ayun binalikan namin siya. Nag-pull out pa siya ng bagahe niya. Hehe. Dumaan kami ng MOA (Mall of Asia), keginaw. Yan nalang muna.

Sensya na talaga. Off comments muna. Sa babang entry nalang kayo magpost. Sige pwede na kayo mag-comment if you want. :)


This is a cross-post from my personal site, GO ELYEN.
COMMENT

Link

Mystery Files [Jun. 6th, 2007|05:21 pm]

Mahilig ako sa mga detective ek-ek.

Yan ang dahilan kung bakit nanunuod ako ng Case Closed o mas kilala sa Detective Conan tuwing 10am at ayokong pinapalampas kahit isang episode nun. Naalala ko na madalas pa nga ako late sa unang subject ng 30 minuto last sem dahil 10:30am na ko pumapasok.

Natuklasan ko dati pa ang Death Note mula yata kay Euri. Pero kelan ko lang napanood dahil nakakatamad pag naka-dialup ka. Natapos ko na yung 33 episodes mula sa Crunchy Roll. Bitin, at nakakainis yung ugali nung bida sa opinyon ko. May mga bagay tungkol sa istorya na hindi ko sinasang-ayunan pero since sabi ko nga mahilig ako sa detective stories, nagustuhan ko ‘to kahit may mga bagay na ayoko. Minsan nga naipagpapalit ko pa ang panonood ng Conan sa panonood ng Death Note dahil nakaka-excite malaman yung kasunod ng istorya. Nakaka-disappoint lang ng konti kasi hindi tapos yung series.

Hindi ko pinangarap kahit kelan na maging isang detective, scientist manapa. Pero malaki talaga ang interes ko sa mga ganyang palabas. Kung bakit? Ewan ko. Bakit nga kaya?


This is a cross-post from my personal site, GO ELYEN.
COMMENT

Link

Upgrading to WP Getz Adventure [May. 31st, 2007|08:36 am]

Hindi ko alam kung bakit tinamaan ata ako ng kasipagan kagabi na mag-upgrade.

Tama, upgraded na itong mumunti kong website sa WP Getz (Wordpress version 2.2), meaning, pwede niyo na i-edit yung comments niyo kung gusto niyo. :) Ikwekwento ko nalang ang adbentyur ko habang nag-uupgrade since ito ang unang beses na ginawa ko ito.

Kakapagod pala mag-upgrade at nakakagutom. Aksheli, hindi naman yung mismong pag-uupgrade ang nakakapagod kundi yung pagbaback-up ng files. First time ko lang kasi ‘tong ginawa kaya kinakabahan talaga ako. Baka kasi pumalya. Kaya sinigurado ko muna na lahat ng WP files ko (2 ang WP-powered blog dito sa Go Elyen) e may duplicate. Nung una, ni-try ko ang pagbaback-up gamit ang pinakamadaling paraan sa palagay ko, back up home directory sa Cpanel. Kaso nung chinecheck ko na yung files kung gumagana e parang may error ata, siguro may corrupt na files. Dahil dun, nagtiyaga akong magmano-mano sa pagdodownload ng files gamit ang FTP. Dial-up ang gamit ko na tinotopak at nadisconnect pa kaya ano pa ang aasahan mo? Sinunod ko ang five steps at ang sabi dun e supposedly 5 minutes lang talaga ang pag-uupgrade and a little more than five minutes if you are a prolific blogger. Yung five minutes na yun ay na-extend ng hindi lang karagdagang limang minuto kundi oras. Anong oras ba ko nagsimula sa pagbaback-up? 10pm siguro. Pero natapos ako mag-upgrade 1am na. Haha! Akalain mo.

Sa totoo lang nakakainis. Nakakainis kasi ang tagal-tagal kong nagbaback-up e kung tutuusin e napakadali lang pala nung main upgrading process. Natutunan ko na kelangan mo muna palang basahin ang lahat ng instructions at hanapin kung ano ang mareremedyuhan mo o hindi mo na kelangan gawin bago ka magsimula. Bakit? Hindi ko naman nagamit yung back-up files na pinagtiyagaan kong idownload e. Nagsilbi lang talaga siyang back-up.

Isa ko pang natutunan: Trust your instincts. Hehe.
(Pero para kay Pareng Jake the Miserable na nilagay ang “dalagita” sa caption para sa blog ko dahil sa instinct niya na 16 palang ako, DO NOT TRUST YOUR INSTINCTS PAREKOY. :lol: )

Ang totoong kinahihimutok ko e dahil nagugutom ako habang nag-aupgrade tapos bumulagta sakin ang iba’t-ibang klase ng tinapay kaso puro gawa sa wheat nang buksan ko ang ref. Aba tae, akala siguro ng nanay ko nagdadiet din ako katulad niya. :lol: Wala man lang kasing hindi wheat bread, hindi masarap yun sa panlasa ko e.

Ok naman yung pag-uupgrade ko, wala naman akong nakikitang problema maliban sa smilies. Diba sa vars.php yun ineedit? Bakit wala ata dun? HELP! Kung may nakita pa kayong ibang error, comment nalang po kayo to inform me.

PS. Tumaba nga ata ako. Pero tinigil ko na yung iniinom kong gamot 3 days pagkatapos nung post ko, medyo natakot kasi ata ako e. :lol: Sinukat ko kasi yung uniform ko, umiksi e pero hindi ako naniniwalang tumangkad ako, siguro tumaba lang (pero hindi ko pansin) kaya parang sumikip tapos nabanat pataas kaya umikli. Ayun, nagpatahi tuloy ako ng bagong uniform kahapon.


This is a cross-post from my personal site, GO ELYEN.
COMMENT

Link

Nagtumpukang Meme. [May. 28th, 2007|11:03 am]

Note: Ang post na ito ay edited gayun din ang title dahil natuklasan ko kanina lang mula sa Technorati na meron palang mga nag-aabang na meme na dapat kong sagutan mula sa aking fellow blogmates. Akalain mo. Hehe.

Kahit wag niyo na basahin lahat, ang haba nito, alam ko maiinip ka lang. :lol: Pero kung bored ka at may mga bagay ka na gusto matuklasan tungkol sakin, GO! :)

  • Six Weird Things About Me mula kay Darwin
  • Soundtrack Of My Life mula kay Tina
  • The Threes mula kay Shari
  • Adik mula kay Eloiski
  • Count Your Blessings mula kay Joni
  • Alexa Redirect Train mula kay Kyutbabe

Read the rest of this entry »


This is a cross-post from my personal site, GO ELYEN.
COMMENT

Link

Ang galit ni Mayor. [May. 27th, 2007|10:14 am]

Isang linggong hindi nangolekta ng basura sa barangay namin.
Mahigpit ngayon sa bayan ng Baliuag.
Nililinis ni Mayor. Pinapaalis yung mga ibang nagtitinda.

Galit siya. Galit siya dahil muntik na siyang matalo sa halalan. Galit siya dahil sa kabila ng laki ng pera na ginasta niya sa pagbili ng boto ng mga mamamayan ng Baliuag, e tila trinaydor siya ng mga ito. Nasa 700 lang yata ang lamang ng boto niya sa kalaban niya. Kaya ayun, naghihimutok siya.

Pero gaya nga ng sabi ko, lamang pa rin siya. Siya pa rin ang nanalo. Hay, ang dumi-dumi talaga ng pulitika. Nakakalungkot.

Mukhang marami na naman ang mawawalan ng pagkakakitaan. :(


This is a cross-post from my personal site, GO ELYEN.
COMMENT

Link

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]