Gean Is XLewser ([info]myheartonstring) wrote,
@ 2007-05-31 08:36:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Upgrading to WP Getz Adventure

Hindi ko alam kung bakit tinamaan ata ako ng kasipagan kagabi na mag-upgrade.

Tama, upgraded na itong mumunti kong website sa WP Getz (Wordpress version 2.2), meaning, pwede niyo na i-edit yung comments niyo kung gusto niyo. :) Ikwekwento ko nalang ang adbentyur ko habang nag-uupgrade since ito ang unang beses na ginawa ko ito.

Kakapagod pala mag-upgrade at nakakagutom. Aksheli, hindi naman yung mismong pag-uupgrade ang nakakapagod kundi yung pagbaback-up ng files. First time ko lang kasi ‘tong ginawa kaya kinakabahan talaga ako. Baka kasi pumalya. Kaya sinigurado ko muna na lahat ng WP files ko (2 ang WP-powered blog dito sa Go Elyen) e may duplicate. Nung una, ni-try ko ang pagbaback-up gamit ang pinakamadaling paraan sa palagay ko, back up home directory sa Cpanel. Kaso nung chinecheck ko na yung files kung gumagana e parang may error ata, siguro may corrupt na files. Dahil dun, nagtiyaga akong magmano-mano sa pagdodownload ng files gamit ang FTP. Dial-up ang gamit ko na tinotopak at nadisconnect pa kaya ano pa ang aasahan mo? Sinunod ko ang five steps at ang sabi dun e supposedly 5 minutes lang talaga ang pag-uupgrade and a little more than five minutes if you are a prolific blogger. Yung five minutes na yun ay na-extend ng hindi lang karagdagang limang minuto kundi oras. Anong oras ba ko nagsimula sa pagbaback-up? 10pm siguro. Pero natapos ako mag-upgrade 1am na. Haha! Akalain mo.

Sa totoo lang nakakainis. Nakakainis kasi ang tagal-tagal kong nagbaback-up e kung tutuusin e napakadali lang pala nung main upgrading process. Natutunan ko na kelangan mo muna palang basahin ang lahat ng instructions at hanapin kung ano ang mareremedyuhan mo o hindi mo na kelangan gawin bago ka magsimula. Bakit? Hindi ko naman nagamit yung back-up files na pinagtiyagaan kong idownload e. Nagsilbi lang talaga siyang back-up.

Isa ko pang natutunan: Trust your instincts. Hehe.
(Pero para kay Pareng Jake the Miserable na nilagay ang “dalagita” sa caption para sa blog ko dahil sa instinct niya na 16 palang ako, DO NOT TRUST YOUR INSTINCTS PAREKOY. :lol: )

Ang totoong kinahihimutok ko e dahil nagugutom ako habang nag-aupgrade tapos bumulagta sakin ang iba’t-ibang klase ng tinapay kaso puro gawa sa wheat nang buksan ko ang ref. Aba tae, akala siguro ng nanay ko nagdadiet din ako katulad niya. :lol: Wala man lang kasing hindi wheat bread, hindi masarap yun sa panlasa ko e.

Ok naman yung pag-uupgrade ko, wala naman akong nakikitang problema maliban sa smilies. Diba sa vars.php yun ineedit? Bakit wala ata dun? HELP! Kung may nakita pa kayong ibang error, comment nalang po kayo to inform me.

PS. Tumaba nga ata ako. Pero tinigil ko na yung iniinom kong gamot 3 days pagkatapos nung post ko, medyo natakot kasi ata ako e. :lol: Sinukat ko kasi yung uniform ko, umiksi e pero hindi ako naniniwalang tumangkad ako, siguro tumaba lang (pero hindi ko pansin) kaya parang sumikip tapos nabanat pataas kaya umikli. Ayun, nagpatahi tuloy ako ng bagong uniform kahapon.


This is a cross-post from my personal site, GO ELYEN.
COMMENT




Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…